Burador ng Isang Talambuhay: BAKAS/ALINGAWNGAW


BAKAS: Dalumat ng Gunita’t Hinagap, Memorya ng Kinabukasan

  • — ni E. SAN JUAN, Jr.

AVENIDA RIZAL, STA. CRUZ (1938-1944)

 

Buhay ay pakikipagsapalaran, lihis sa iyong pagnanais o pagnanasa
Pook na dinatnan ay hindi nakaguhit sa dibdib, balintunang hinala
Pook na binagwis ng alaala’t pag-aasam
Tumatawid sa agwat/puwang ng panahong gumugulong sa buhangin
Nakalingon habang dumudukwang sa agos ng alon—
anong kahulugan ng pagsubok at pangakong itinalaga ng panahon?
Tayo ba ang umuugit sa daluyong ng kapalaran?

 

Lumilihis sa bawat liko, sa bawat sandali nag-iiwan ng bakas ang katawan
Sa bawat sulok, matatagpuan ang uling/alabok ng buong kasaysayan—
Bumabagtas sa bawa’t yugto ang tunggalian ng uri, saan kang panig makikisangkot, kaya kailangang magpasiya
Upang masunggaban ang sungay ng tadhana, ikawing ito
sa ating adhika’t pangangailangan ng komunidad—

Tanong mo’y saan? Sagot ko’y kailan? Bibingka ng hari, di mahati-hati….

Tuwing umaga’y nalalanghap ang anghot ng ihi’t dumi ng kabayo
sa kuwadra ng San Lazaro tabi ng Oroquieta Ospital ang kinagisnan—
Agwat/puwang ng panahon, kaluluwang humibik
sa pagitan ng Tayabas at Batangas, bininyagan sa Iglesiya Espiritu Santo

Kapagkwa’y tumawid at naipit sa riles ng Blumentritt at estero ng Dimasalang
malapit sa pugad ng pampang si Marina noong 1945….
—“dala-dala’y buslo…pagdating sa dulo”—
Sa mga eskinita lumalagos ang bango ng piniritong isda’t ginisang bawang sibuyas kamatis luya
Sa bingguhan asaran biruan ng mga kamag-anak

Amoy ng dura’t pawis masangsang na putik sa harap ng 2121 Avenida Rizal
kung saan napanood ang prusisyon ng libing ni Manuel Quezon

Kakatwang estranghero ang sumaksi sa tahanang
ginawang motel para sa ‘short-time” tipanan ng magtatalik—

Agwat ng umaga’t dapithapon sa naghihintay na musmos, binibilang ang patak ng ulan
Puwang ng paglalaro sa lansangan ng Tayuman at Bambang, inaabangan—

Sakaling wala ang ina’t ama, “buhok ni Adan hindi mabilang,”
himutok ng ulilang musmos
Sagisag na walang lakas hubugin ang daloy ng karanasan, biktima ng pangyayaring
matagal ang panahon ng pagkagulang, nabulabog sa bawat gulong ng trapik….

Gayunpaman, nabaluktot sa balisa’t di-pagkakapalagay, stigmata sa gunita:

Unti-unting nahuhulog kumpol-kumpol ang dilawang bulaklak ng punong-akasya
sa harap ng dungawang tila masamyong dibdib ni Nena, nag-alagang katulong, mangyaring pagpalain ng Inang Kalikasan
ang kaniyang mairuging kaluluwa.

 

2. MONTALBAN, RIZAL (1945-1950)

 

Bukal ang kinabukasan sa iyong gunita, sa tukso ng pag-asa
Sa guni-guni, tila huni ng ibon sa bulaos ng kalabaw tungo sa ilog Pasig
Bumubuhos sa Montalban, agos ng panahong sumusukat sa isip
Tinutugis ang kaganapang bulong at anasan ng mga nagdarasal
sa sementeryo ng La Loma…

Lalakarin daw ang haba ng dinulang, doon masusulyapan ang Irog
bago manampalok—Sinampal muna bago inalok?

Halinghing ng kabayo sa gubat ungol ng baboy aso’t manukan
Pangarap ng paglalayag habang nakadukwang sa estero ng Reina Regente
gumagapang gumagala sa Binondo San Nicolas Dibisorya

Takas, pumipiglas—
Pinaulanan ng bala ng gerilyang Huk ang PC istasyon sa munisipyo ng Montalban
—hindi lamang pito ang baril nila, di lamang siyam ang sundang—
Taginting ng salapi’y hungkag sa hinagap ng Boddhisatvang umakyat
sa lambak doon sa Wawa kung saan
nagkublli sina Andres Bonifacio’t at mga gerilyang Katipunan….

Umahon mula sa kabilang ibayo ang kamalayang sumasagap sa tinig ng panata
hindi mula sa Benares o Herusalem kundi sa Sierra Madre
upang humabi ng sutrang kayumanggi mula sa tadhanang gumugulong….

Sunggaban ang suwag ng kapalarang naligaw sa rumaragasang unos
Malayo na sa kilabot ng mga Hapong umurong sa Wawa
Pinaligiran ng tropang Amerikano, sindak ng imperyalismong sumasabog…

Gumising doon sa bukang-liwayway ng Liberasyon at tuloy sa dagundong
ng magulong Maynila, sunog sa Korea at Arayat
mabilis pa sa alaskuwatrong tumungo sa sinehang Lotus at Noli
Kung saan narinig ang “Fascination” nina Dinah Shore at Belle Gonzales—

Bigkasin mo ang pangalan ng mga kolaboreytor at bayaning nagbuwis ng buhay….

Ngayon ay alingawngaw ng panahong
Lumikha sa mga pangyayaring
Lihis sa iyong pangarap at panimdim
Kapwa ninais at pinilit
Kapwa tinaggap at tinanggihan: kailan? saan?
Sa pag-inog ng pakikipagsapalarang tila walang simula’t katapusan.

 

 

3. BALINTAWAK, QUEZON CITY (1951-54)

 

Pangangailangan ang umuusig sa pagkikipagsapalaran, gumaganap ang bulag na simbuyo
Sa daluhong ng kasaysayan, hindi maiiwasan o maitatakwil
Kaya ang sumunod sa nesesidad ay malaya’t magpapalaya
sa kahinugan ng panahon, pahiwatig ng mga pantas….

Sumisingit sa baklad ng gunitang balintuwad:
Minsan tinapos ko ang Crime and Punishment ni Dostoevsky
isang hapong maalinsangan
Di ko malilimutan ito, gabi na ng ibaling ang paningin sa bintana
Lihim na pagkahumaling ko kay Esther Deniega (lumisan na) ay iburol sa balong
malalim, punong-puno ng patalim, balong hindi malingon
Tulad ng pagsasama namin nina Ernie at Pete Daroy
Sa limbo ng mga pagliliwaliw, sa impiyerno ng mga pag-aalinlangan at agam-agam

 

Mabuhay kayong mga itinapon,
Nakarating na kayo sa ipinangakong himpilan, ipinaginip na himlayan.
“Dalawang pipit, nagtitimbangan sa isang siit, sumusungit ng bituin”
Di nagluwat, sumabak sa pakikibaka laban sa US-Marcos diktadurya—

Minagaling ang basag kaysa baong walang lamat

Sapagkat sa kaibuturan ng aksidente, pagbabakasakali, namumutawi
ang siglang pagbubuhatan ng tagumpay ng ating minimithi,
Hindi salita kundi hibo’t hikayat ng panaginip at guniguni, matris ng himagsikan,
ang lugar ng panahong nahinog sa yapos at aruga
ng mga magulang at mga gurong nagmalasakit…

Huwang mong basahin ito
Tatak ng titik titik ng tiktik
Huwag tingnan huwag sipatin
Huwag silipin huwag sulyapan
Tatak ng titik titik ng tiktik
Huwag mong titigan baka ka malikmata’t maalimpungatan….

 

Asul ang kulay ng langit sa parang at lambak ng Diliman—
Aso ko sa pantalan, lumukad ng pitong balon, humugos sa pitong gubat
bago natanaw ang dagat—

Walang katuturan ang panahon kung walang pangarap o pag-asa
Pagnanais ang matris ng pangyayari, pagnanasa ang ina ng katuparan
Kabiyak na niyog, magdamag na kinayod,
Naghasik ng mais, pagkaumaga ay palis—

Huli ng balintataw ang mailap na buntala ng iyong mithing talinghaga,
pangarap ng pithayang alumpihit pumaimbulog sa kawalan.

 

4. CRAIG, SAMPALOC, MAYNILA (1955-60)

 

….Subalit ang kalayaang magpasiya’y nagkabisa
Sa isang tiyak na pook at itinakdang pagkakataon
Bagamat limitado ang kapangyarihang umalsa’t bumalikwas
Walang pangyayaring magaganap kung wala ka,
Sintang itinapon sa gitna ng maburak na Pasig.

Bumagsak ang eruplano ni Magsaysay ngunit nkalimutan
na ang CiA ahenteng Lansdale, sa gayon
Neokolonyang teritoryo pa rin tayo hanggang ngayon….

Agos de pataranta sa Palomares at Gardeniang dinalaw ng mga GI
pagkatapos sumuko si Aguinaldo’t nawala si David Fagen

Magkabalikat kami nina Ernie at David Bunao sa bilyaran sa Quiapo
Di inalintana kung may hirap, hanapin ang ginhawa
Aralin ng pakikipag-ugnayan sa Culi-Culi, Marikina, massage parlor sa Raon
Walang matimtimang birhen sa lagalag na kaluluwang naghuhunos
Di bumibilang ng bukas-makalawa upang paraanin ang nagparaan—

Walang matiyagang hayup sa magayumang kalapating sumasayad sa pampang….

Shantih Shantih Weiilala leia Wallala leialala

Bago umakyat sa Baguio, tumawid kami sa Tayug, Pangasinan, nina Mario Alcantara
at Pablo Ocampo, kumakampanya para kina Recto-Tanada
Hindi ko batid noon na malapit sa Binalonan, bayan ni Carlos Bulosan….
Noong 1972 ko na lang napag-alaman ito sa lilim ng Pulang Bandila

Lumangoy at lumutang sa usok sa Luneta’t daungan ng Manila Bay
Tudyo’t halakhak ng mga kaibigang nakausad mula sa Tundo hanggang Sta Cruz & Quiapo

Tatlong bundok ang tinibag bago dumating nang dagat

Walastik, para kina T.S. Eliot Joyce Nietzsche Sartre, tapos ang boksing sa Sarili
Walastik, naghalo ang balat at tinalupan sa turo ng pilosopong galing sa Popular Bookstore

Di naglaon, tumubo ang sungay at tumindi ang pagnanasang makahulagpos
—“karga nang karga, kahit walang upa” ang islogan ng anarkista
bago sa engkuwentro kina Marx Engels Lenin Lukacs noong dekada 1965-72…

 

Pumalaot na mula sa daungan ng Subic Bay
Lupa’t tubig ang nakalunsad
Apog at asin sa lagusan
Tinalunton ang landas pabulaos mula sa Ilog Montalban
Halos magkandarapa halos sumubsob
Hindi pa nakaraos
Hindi pa natutuklasan: kutob, ligamgam
Hangin at apoy ang bumuhos
Hindi pa yari ang proyektong idaraos
Pumalaot na sa hanggahang di-abot-tanaw
Humugos sa dalampasigan
Tubig lupa hangin apoy
Apoy hangin apoy

___________++++++++++++++++++++++++______________

 

 

PROYEKTO SA PAGBUO NG KOLEKTIBONG MEMORYA NG NAGKAKAISANG-HANAY

O, BAKIT WALANG PAHINGA ANG PAKIKIBAKA KAHIT NAGAYUMA SA INTERLUDE NG AWIT?

 

Ilang Pagninilay sa “Bakas” ni E. San Juan, Jr.

 

 

Sa puwang ng ilang pahina, hiniling ng patnugot na ipahayag ko ang ars poetikang nakatalik sa tulang “Bakas.” Balighong hinuha, ngunit sa tangkang paunlakan, sinubok ng makata ang interpretasyong sumusunod na bukas sa anumang pasubali, pagwawasto, at pagpapabulaan.
Pambungad na gabay muna: Huwag kalimutan na nakapaloob sa kolonyalismong orden ang lahat ng intelektwal sa ating bayan, mula 1899 hanggang 1946, at sa neokolonyalistang istrukturang saligan ng Estadong nakapailalim sa imperyalismong U.S. Dahil sa kapangyarihan ng pribadong pag-aari (kapitalista, piyudal) at di-makatarungang dibisyon ng trabaho, patuloy ang digmaan ng mga uri’t iba’t ibang sektor ng lipunan. Mistipikasyon at obskurantismo ang namayani sa klima ng panahon ng pagkagulang ng makata (1938-1948), at utilitaryanismong neoliberal mula 1949 hanggang sa ngayon. Samantala, maigting din ang paglago ng mga puwersang sumasalungat sa hegemonya ng kapitalismong global.
Walang tabula rasa sa naratibo ng talambuhay. Masasaksihan doon ang suliranin ng “Unhappy Consciousness” (Hegel) na diyalektika ng ugnayan ng alipin at panginoon sa islang sinakop. Kolonyalisadong mentalidad ang minana ng makata hanggang magkaroon ng kabatiran sa panahon ng anti-imperyalismong pag-aalsa laban sa U.S. interbensiyon sa Vietnam at pagsuporta sa diktaduryang Marcos (1972-1986). Ang katotohanan ng kolonisasyon/neokolonisasyon ng isang subalterno at kung paano maitatakwil ito’t makahuhulagpos sa nakasusukang bangungot ng pang-aapi’t dominasyon—ito ang tema ng “Bakas.” Sa trabaho ng negasyon, sa pamamagitan ng gawaing subersyon ng umiiral, bumubukal ang kinabukasan na siyang katubusan ng nakalipas. Ililigtas din nito ang Rason/Ideyang ipinagtanggol ng mga bayaning nagbuwis ng buhay upang mapalaya ang sambayanang lumilikha ng pagkataong Filipino at kalinangang batayan ng sosyalismong hinaharap.

Mapa ng Salaysay
Di na dapat sabihin na matatarok lamang ang buod ng karanasan kung pagdurugtungin sa banghay ng naratibo ang proseso ng pagsulong at kinahinatnan. Mauunawaan sa gayon ang Konsepto (Begriff) ng kolektibong kamalayang nagbabanyuhay. Kaya susubaybayan natin ang detalye ng panahon at lugar na sumasagisag dito. Bawat nilalang ay nakaangkla sa isang espasyong partikular, lunan o pook kung saan nakaluklok ang Ideyang Unibersal (“Geist,” bansag ni Hegel; ang kooperatibang humanidad, sa isip ni Marx-Engels). Ngunit walang kabuluhan ito kung hindi nailalakip sa daloy ng kasaysayan.
Naimungkahi ni Henri Lefebvre na ang produksiyon ng espasyo ay isang usaping kaugnay ng buhay o kamatayan para sa bawat lahi. Naisusog niya na walang makaiilag sa “trial by space—an ordeal which is the modern world’s answer to the judgment of God or the classical conception of fate” (The Production of Space, 1991, p. 416). Adhikain ng tula ang himaymayin ang ideolohiyang minana sa kolonisadong kultura ng Commonwealth at neokolonyang Republika sa paraan ng paghahalo’t pag-uugnay ng iba’t ibang kontradiksiyon ng karanasan, paghahalintulad ng pira-pirasong yagit ng gunita, alanganin, pagsisisi, panimdim, pangarap, pagkabigo, mapangahas na pagsabak sa daluyong ng pakikipagsapalaran. Makikilatis ang tunguhin ng bawat tagpo sa tula: ang balak na lumikha ng identidad mula sa metapisikal na indibidwalistikong ego tungo sa isang konsepto ng budhi ng pagkatao. Sa kabilang dako, layon din na makalinang ng isang diwa o matris ng kolektibong ahensiya ng uring gumagawa o yumayari—sa ibang salita, ang ahensiyang istorikal ng mga manggagawa’t pesante, ang bayang pumipiglas sa kadena ng imperyalismo’t burokratang kapitalismong namamayani hanggang ngayon. Ito ang protagonistang uugit sa transpormasyong radikal ng bansa.
Sinikap dito na isatinig ang kolektibong memorya sa pagbabay sa mga kontradiksiyong masisinag sa karanasan ng makata. Kailangang ilugar ang nangungusap na aktor sa isang takdang yugto ng kasaysayan. Kung walang katawan, walang mararamdamang pangyayari, walang bisa’t katuturan ang pontensiyal ng kaluluwa—ang birtud ng inkarnasyon. Sino ang bumulong ng balitang isisilang na ang Mesiyas? Kinakasangkapan ng sining ang ilusyon ng anyo o hitsurang nadarama upang maibunyag ang katotohanan, ang sintesis ng sangkap at kaakibat na totalidad. Sa gayon, hindi matatakasan ang araw-araw na pakikihamok, tuwa’t daing ng mga katawang magkabalikat. Bawat pulso ng wika’y siya ring pulso ng body politic, ang komunidad na kinabibilangan ng makata. Artikulasyon ng katutubong wika (hindi Ingles) ang mabisa’t mabungang medyasyon ng bahagi at kabuuan.

 

Mobilisasyon ng Pagnanasa
Nasaan tayo ngayon? Patungo saan? Balitang nakatambad sa Internet: Martial law sa Mindanao, patayan sa Marawi City ngayon, mistulang katuparan ng binhing naipunla noong dekada 1972-1986 kung saan namulat ang makata sa realidad. Paano maipangangatwiran ang sining/panitikan sa gitna ng gulo’t ligalig, malagim at nakasisindak na paghahari ng terorismong gawad ng imperyalistang globalisasyon? Paano maikikintal sa konsiyensiya ng lahi ang balangkas ng buhay na nakagapos sa anomie at alyenasyong naibunsod ng komodipikasyon ng bawat bagay—panggagahis o pagbebenta sa karanasan, pag-ibig, seks, panaginip? Lahat ay nalusaw sa fantasmagorya ng salapi at bilihing lumamon sa dugo’t espiritu ng bawat tao. Saan ang lunas sa malubhang salot na nagbuhat pa sa pagsakop ng Estados Unidos nang mabuwag ang proyekto ng himagsikan ng 1896 at nalubog tayo sa barbarismong laganap ngayon? Nabalaho ang kasaysayan natin sa gayuma ng komoditi/bilihin, sa diskursong burgis ng pamilihan/salapi at indibidwalistikong pagpapayaman.
Ituring na alegorya ang imahen, tayutay o talinghagang ikinabit dito sa ilang pook ng MetroManila kung saan nagkaroon ng kamalayang sosyal ang makata. Isinilang bago pumutok ang WW2, nasagap pa ang huling bugso ng nasyonalismo ng Philippine Commonwealth (Avenida Rizal). Nagbinata noong panahon ng Cold War, panahon ng Korean War at pagsugpo sa Huk rebelyon—rehimen nina Quirino, Magsaysay at Carlos Garcia (Montalban, Rizal). Tinalunton ang landas tungo sa pagpasok sa Jose Abad Santos High School noong nakatira sa Balintawak; at sa paglipat sa Craig, Sampaloc, nasabit sa mga anarkistang pulutong sa Unibersidad ng Pilipinas.
Di sinasadya itong makitid na ruta ng uring petiburgis. Paniwala ito ng aktor/suheto ng pansaliring pagnanais. Natambad sa positibismong pilosopiya nina Dr. Ricardo Pascual at mga kapanalig—sina Cesar Majul at Armando Bonifacio—at nakisangkot ang awtor sa kampanya nina Recto-Tanada noong dekada 1954-58. Nakilahok din sa praxis ng diskursong sekular laban sa panghihimasok ng ilang reaksyonaryong kleriko sa akademya. Nakakawing sa mga pook na naitala ang ilang pangyayaring nagsilbing konteksto sa paghubog ng diwang mapagpalaya’t makabayan, diwang tumututol sa umiiral na ordeng puspos ng pagsasamantala’t korapsiyon, ng walang tigil na tunggalian ng uri, kaalinsabay sa pagsigla ng pambansang pagsisikap makalaya’t makamit ang tunay na kasarinlan at pambansang demokrasya.
Salungat sa pormalistikong estetikong iginigiit ng akademikong institusyon ang buhay ng makatang tinalunton dito. Litaw na nagbago ang kamalayan sa pamamagitan ng ugnayan ng praktika at teorya, hindi lang pragmatikong pakikilahok at pakikiramay. Maraming balakid, natural, ang ruta ng gitnang klase sa lipunan. Tubo sa petiburgesyang uri—guro sa haiskul at pamantasan ang mga magulang, na naging kamag-aral nina Loreto Paras-Sulit at henerasyon nina Jose Garcia Villa at Salvador P. Lppez—naging huwaran ang mga intelektuwal sa milyu ng Komonwelt. Unang pumukaw sa imahinasyon sng mga pelikulang Hollywood, mga huntahahan ng tiyo’t tiya sa Blumentritt, ang mga kuwento ng kaiskuwela sa Jose Abad Santos High School sa Meisic, Reina Regente, na ngayo’y higanteng mall sa Binondo. Nagpasigla rin si Manuel Viray, tanyag na kritiko, at naglaon sina Franz Arcellana, Rony Diaz, Ernie Manalo, Pete Daroy, Gerardo Acay, Carlos Platon, Ruben Garcia, atbp. Huwag nang banggitin ang palasintahing pagpaparaos ng panahon na pwedeng suriin sa isang nobelang education sentimental—tila kalabisan na ito, mangyari pa.

Naligaw na Mapa ng Paglalagalag
Bagamat kabilang sa mga petiburgesyang etsa-puwera, hindi biglang naging maka-kaliwa ang awtor—matinding impluwensiya sa simula ang Existentialismong naisadula nina Sartre, Camus, Marcel, Nietzsche, Kierkegaard. Ginagad sina Villa, T.S. Eliot, Wynhdam Lewis (tingnan ang “Man is a Political Animal” at iba pang detalye sa Kritika Kultura #26 ) at mga awtor na tinangkilik ng mga kaibigang kalaro sa bilyaran at kainuman sa Soler, Sta. Cruz, Quiapo at Balara. Tanda ko na laging bitbit ko noong katulong ako sa Collegian ang libro ni Sartre, What is Literature? Hihintayin pa ang dekada 1965-1975 bago mapag-aralan sina Mao, Lenin, Lukacs, Marx, Engels, Gramsci, atbp. Nauna si Mao noong huling dako ng dekada 1960, at sumunod si Georg Lukacs sa antolohiya kong Marxism and Human Liberation (1972). Mapapansin ang indibiduwalistikong himig ng tula, na hango kina T.S. Eliot, Ezra Pound, at W.B. Yeats, mga manunulat na naging ulirang padron noong aktibo sa UP Writers Club at sa krusadang anti-obskurantismong pinamunuan nina Pascual, Alfredo Lagmay, Augstin Rodolfo, Leopoldo Yabes, Elmer Ordonez, at iba pang guro sa pamantasan. Nakaimpluwensiya ang mga sallita’t kilos ng mga iskolar-ng-bayan, at naging tulay ang tradisyong humanistikong iyon sa pakikipagtulungan ko kina Amado V. Hernandez at Alejandro Abadilla noong mga dekada 1960-1967. Hindi dapat kaligtaan ang pakikisama ng awtor kina Ben Medina Jr., Rogelio Mangahas, Ave Perez Jacob, Efren Abueg, at ibang kapanalig sa kilusang makabayan.
Bakit panitik o sining ang napiling instrumento upang maisatinig ang mailap na katuturan/kahulugan ng buhay? Anong saysay ng tula sa harap ng mabilis na transpormasyon ng lipunan—ang pag-unlad nito o pagbulusok sa lusak ng barbarismo ni Duterte at oligarkong kasabwat? Noon, masasambit bigla ang pormularyo ng Talks at the Yenan Forum ni Mao. Sapantaha kong nakausad na tayo mula sa dogmatikong gawi. Sukat nang sipiin ang bigkas ni Amado Hernandez sa panayam niya tungkol sa sitwasyon ng mga manunulat noong 1968: “Ang kanilang mga katha ay hindi na bungangtulog kundi mga katotohanang nadarama, kaugnay at kasangkot sa mga pakikibaka ng lipunan at taongbayan at ng pagbabalikwas ng uring dukha laban sa inhustisya sosyal ng mga manghuhuthot at mapanlagom” (Panata sa Kalayaan ni Ka Amado, ed. Andres Cristobal Cruz, 1970).

Salungguhitan ang Sangandaan
Nasa kalagitnaan na tayo ng pagtawid sa ibayong pampang, bagamat naudlot ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDFP). . Inaasahan kong naisaulo na natin ang prinsipyo ng materyalismong istorikal: ang konkretong analisis ng masalimuot na paglalangkap ng sari-saring dimensiyon ng anumang krisis sa kasaysayan. Umpisahan natin ang mapanuring pagtalakay ng kasaysayan sa metodong Marksista: malawak ang imbak na posibilidad ng sambayanan, ngunit ito’y binhi pa lamang ng kinabukasang nahihimbing sa pusod ng kasalukuyan (ayon kay Ernst Bloch). Gayunpaman, hindi natin mahuhulaaan ang tiyak na oras o sandali ng kagyat na pagsalimbay at pagdagit ng anghel ng Katubusan.
Ito ang dahilan sa pagdiin ng makata sa kontradiksiyon ng di-maiiwasang pangangailan at libertad, ang larangan ng contingency at ng nesesidad. Naitanghal na ito ng mga suryalistikong artista at nina Pablo Neruda, Bertolt Brecht, Lu Hsun, Aime Cesaire, atbp. At naipaliwanag din ito sa pilosopiya nii C.S. Peirce (ang polarisasyon ng tadhana at aksidente; tychism, synechism). Sa paglagom, ang kalayaan ay nagmumula sa pagkabatid sa batas ng kalikasan (tendensiya, hindi istriktong batas, batay sa galaw o kilos ng produktibong lakas ng komunidad).
Sa masinop na imbestigasyon, masisilip din ito sa Tao Te Ching, o sa akda nina Clausewitz at Sun Tzu hinggil sa arte ng digmaan. Kaugnay nito, pag-isipan din natin ang turo na ang sining ay hindi tuwirang salamin ng realidad kundi simbolikong praktika. Sa pamamagitan ng retorika, talinghaga, sagisag, binibigyan ng solusyong ideolohikal o pang-imahinasyon ang kongkretong kontradiksiyong pulitikal-sosyal sa lipunan. Tungkulun ng manapanuring aktibista ang pagsiyasat at pagsaliksik sa subtexto na mga kontradiksiyong pinoproblema sa karaniwang buhay ng madla sa lipunan.
Pahimakas sa Patnubay ng mga Bathala

Sa larangan ng malikhaing panulat, desideratum sa makata ang paghabi ng makabagong artikulasyon sa loob ng parametro ng sistemang lingguwistika, at sa musikero ang pagyari ng baryasyon sa tema sa loob ng kumbensyonal na kuwadrong sonata o fugue, halimbawa. Lumisan na ang Musang maipagbubunyi. Naiwan na lamang ang gumuhong labi ng malungkuting alingawngaw ni Maria Makiling sa Pinagbuhayan ng bundok Banahaw. Marahil, bukas, makikipag-ulayaw tayo sa mga Pulang Mandirigmang nagdiriwang sa liberated zone ng Sierra Madre.
Balik-aralin ang proposisyon ni Sartre: Kanino mananagot ang manunulat? O sa pagtatasa ni Brecht: dapat bang mang-aliw o magturo ang manunulat? Maari bang pag-isahin ang naihiwalay sa aksyomang klasikong dulce et decorum, ang responsibilidad na magpataas ng kamalayan habang nagliliwaliw at nagsasaya? Maibabalik ba ang gintong panahon nina Balagtas at Lope K. Santos?
Sa panahon ng kapitalismong neoliberal, at madugong militarisasyon ng bansa (sa ironikal na taguring Oplan Pangkapayapaan), paano maisasakatuparan ang pagbabalikwas sa lumang rehimen at pagtatag ng makatarungang orden? Paano mapupukaw ang manhid na sensibilidad ng gitnang-uri na nabulok na sa walang-habas na komodipikasyon? Hindi na matutularan ang huwarang kontra-modernismo ng makatang Charles Baudelaire, halimbawa, na nagsiwalat ng kabulukan ng burgesyang lipunan noong ika-1800 siglo (ayon kay Walter Benjamin,The Writer of Modern Life, 2006).
Ano ang dapat gawin? Malayo na tayo sa milyung inilarawan ni Ka Amado noong 1968. Sa ngayon, ang katungkulan ng mandirigmang makata (mithiin ng awtor ng “Bakas”) ay makisangkot sa pagbuo ng hegemonya ng proletaryo’t magbubukid bilang organikong intelektuwal ng nagkakaisang-hanay (tagubilin ni Gramsci) sa panahon ng imperyalismong sumasagka sa pagtatamasa ng kasarinlan at kaunlaran ng bansa. Huwag kalimutan ang Balanggiga? Oo, subalit huwag ding kalimutan ang Maliwalu, Escalante, Mendiola, Marawi! Itampok ang bumabangong kapangyarihan ng sambayanan! Sa halip na mag-fokus sa egotistikang talambuhay, ibaling ang isip sa mabalasik na bugso’t pilantik ng kolektibong gunita na mauulinigan sa musika ng “Bakas.” Sukat na itong magsilbing pahimakas sa kabanatang ito ng paglalakbay ng manlilikha sa mapanganib na pakikisalamuha (hindi pakikipagkapwa) sa digmaang-bayang rumaragasa’t patuloy na gumigimbal at bumabalantok sa buhay ng bawat nilalang sa milenyong ito. —##

Advertisements
Image | Posted on by | Leave a comment

POLITIKANG SEKSUWAL/SEXUAL POLITICS IN FILIPINO ni E. San Juan, Jr.


              POLITIKANG SEKSUWAL/USAPANG PULOT-PUKYUTAN

  •        Walang himagsikang nabibigo. Bawat isa ay hakbang tungo sa wastong                                              direksiyon. 

                                            — Salud Algabre

  •           The revolution is inevitable. We will fight alongside the men….
  •           We are working for a better society for men and women alike.
  •                                              —Maria Lorena Barros

Sa gitna ng ligalig, sa gitna ng matinik at masalimuot na pakikipagtalo, bakit hindi nabanggit sina Gabriela Silang, Gregoria de Jesus, o Teresa Magbanua? Wala bang puwang ang ahensiya ng kakabaihan sa naratibo ng diskursong patriyarko/makalalaki?

Sa malas, nilalagom ng ideolohiyang piyudal-burgis ang babaeng protagonista sa kanyang katawan. “Body politics,” sa postmodernismong klasipikasyon. Maitanong:

Ang tao ba ay katumbas lamang ng kanyang katawan, o bahagi nito? Ang kasarian ba ay walang iba kundi organong seksuwal? Seks ba ang buod ng pagkatao?

Kung hindi man ito kalakaran, ang tumututol ay siyang nagtatampok ng problema, bagamat salungat sa namamaraling opinyon o doxang pangmadla. Sinomang bumanggit ng seks ay kasabwat na ng mga bastos at mahalay. Sabi-sabi ito. Batikusin mo, ikalat mo’t palaganapin. Bakit mali ito?

Walang pasubali na hindi maibubukod ang usaping seksuwal sa kontekstong istorikal. Ang kahulugan at paggamit sa pornograpiya ay pabagugo-bago, napatibayan ni Walter Kendrik (1988) sa pagsusuri sa mga batas na nagbabawal sa realistikong paglalarawan ng seks. Gayundin ang natuklasan ni Angela Carter: ang relasyong pangkasarian ay tandisang relasyong sosyal. Iyon ay nakabatay sa naghaharing panlipunang pakikipagkapwa o pakikisalamuha ng babae’t lalaki. Salungat kay Freud, hindi tadhana (destiny) ang anatomiya/katawan ng tao. Iyon ay larangan lamang ng pagtatanong, pakikihamok, pagsasaliksik, pagbulatlat.

Sa ngayon, mamasid natin sa paligid, sa iba’t ibang sirkumstansya, ang pagkikipag-ugnayan ng sari-saring kategorya ng personalidad: mala-lalaki, mala-babae, bakla, tomboy, transgender, at iba pang uri. Walang tiyak na takda ang hanggahan ng politikang seksuwal sa kumplikadong takbo ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bawat lipunan. Nasa pagsusuri’t pagkilates sa tunggalian ng bawat sektor/pangkat sa lipunan ang bukal ng katotohanan. Siyasatin natin ang tunguhin, layon, pakay, adhikain ng mga puwersang naglalaban: naroon ang katotohanan.

Sikolohiyang Mapanukso

Ang usapang seksuwal ay di na masagwa o mahalay ngayon. Buhat noong maging sikat, bagamat kontrobersiyal, ang “Vagina Monologues” ni Eve Ensler, tila hindi na nakasisindak tumukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae (Wikipedia 2015). Ang estilong bugtong o talinghaga sa seks–gawaing pakikipagtalik–ay itinuturing na sintomas ng neurosis o maselang sakit ng budhi. Paano ang seks ng transgender, hybrid o cyborg?

Ordinaryo na lamang ang seksuwal chitchat sa kontemporaryong praktika sa sining at publikong huntahan. Bakit hindi kung laganap na ang advertisement sa Viagra at iba pang drogang nagpapaudyok sa hindutan? Anong masama sa masarap na “dyugdyugan”? Di ba utos kina Eba at Adan: “Multiply…Magparami kayo!” Kung di kaya, uminom ng pilduras o di kaya’y virgin coconut oil. OK ito sa mga pariseo ng simbahan.

Wala bang sariling ating pukaw-pukyutan? Katutubong pukyotan-putakang pangsarili. Biro ng iba, kung instrumento ng progresibong sektor ang popularidad ni Ensler, bakit di pumatol ang “Penis/Balls Monologue”? Kung sobrang tsobinismo o makismo ito, e di symposium o colloquium ng mga genitalia? O sunod kina Bakhtin at Levinas, diyalogo ng balun-balunan, bukong-bukong at puwit? Demokratikong pagpapalitan ng kuro-kuro at kiliti. May reklamo ka?

Pambihirang Pakulo

Iwan na muna natin ang katawang performative. Dumako tayo sa milyung  espirituwal, sa palengkeng neoliberal. Pambihira talaga. Walang clone si Ensler. Isa na siyang korporasyon ng Power Elite ng Global North. Isang haligi ng Imperyong U.S. Naging selebriting burgis si Ensler, kumita ng di-makalkulang yaman at prestihiyo sa di umano’y peministang hamon sa moralidad ng puritanismong lipunan.

Nagsilbing kultural kapital ang cause de celebre, ginawang passport o pretext para isalba ang kababaihan saan mang lupalop tulad ng neokolonyang Pilipinas. Talo pa niya si Mother Teresa. Ililigtas sina Mary Jane Veloso, Andrea Rosal, Wilma Tiamson, at iba pang inaaping babae sa rehiyon ng BangsaMoro at Lumad (San Juan 2015).

Huwag nang idawit ang Birhen, o babaylang Reyna sa TV at pelikula. Hindi biro, naging talisman o magayumang lakas ang seks ng babae. Sino ang  may reklamo sa One Billion Rising ni Ensler? Ang Vagina Men sa Quezon City o sa Congo? Pati mga gerilya ng New People’s Army ay nagsasayaw sa direksiyon ni Ensler sa tulong ng mga kakutsabang kabaro. HIndi na monologo kundi koro ng mga diwata sa gubat kung saan ang masa ay mga isda, ayon kay Mao.

Magaling! Tuwang-tuwa ang mga hito, talakitok, dilis, bia, tanggigi, bakoko at tilapya. Mabuhay ang rebolusyong umiindak, naglalambing. Kung hindi tayo kasama sa sayaw, sambit ni Mother Jones, bakit magpapakamatay?

Karnabal ng mga Paru-Paro?

Kaalinsabay ang usapang puk# sa liberalisasyon ng diskursong seksuwal sa klimang anti-kapitalistang protesta sa buong mundo. Tampok dito ang Women’s Liberation movement (simula kina Simone de Beauvoir o Shulamith Firestone) noong dekada 1960-1970. Bumunsod na nga sa pagturing sa prostitusyon bilang sex work/trabahong makalupa. Ewan ko kung anong palagay ni Aling Rosa at mga Lola ng “Lolas Kampanya Survivor” na naglakbay sa kung saan-saan, salamat sa tulong ni Nelia Sancho, ang coordinator ng grupo (tungkol sa industriyalisasyon ng seks, konsultahin si Barry 1995, pahina 146-51).

Sa ngayon, 300-400 Lola ang buhay pa sa bilang ng 2000 “Comfort Women” sa Pilipinas. Wala pang hustisya sina Lola Julia, Lola Fedencia, atbp hanggang ngayon. Patuloy nilang iginigiit na ang ginawa ng mga Hapon noong giyera ay hindi pag-upa sa babaeng trabahador kundi talagang gahasang tortyur, panggagahis sa sibilyan, isang masahol na krimen laban sa humanidad. Usapang putangna iyon, walang duda. Ang babae ay makinang ginamit upang magparaos ang mga sundalong Hapon, tulad ng mga “hospitality girls” sa Angeles City, Olongapo, at iba pang R & R sentro ng US sa kanilang pandaramong sa Vietnam, Cambodia at Laos noong mga dekada 1960-1980.

Sa kasalukuyan, walang pang artista tulad ni Kenneth Goldsmith na mangagahas sumulat ng isang tula tungkol sa “Katawan ni Lola Rosa, “Comfort Woman.”  Nang sambitin ni Goldsmith ang kanyang tulang konseptuwal, “The Body of Michael Brown” (Goldsmith 2015), katakut-takot na puna’t panunuri ang sumabog sa Internet at mass media. Bakit? Ang katawan ng Aprikano-Amerikanong biktima ng karahasan ng pulis sa Ferguson, Missouri, ay tila naging banal, sagrado, hindi puwedeng gawing paksa sa makalupang aktibidad. “Off Limits,” wika nga, sa mga puting naghahari, puting makapangyarihan (White Supremacy).

Akala natin ay nasira na ang mga hanggahan, regulasyon, o bakod na naghihiwalay sa iba’t ibang uri, paksa, ugali, kaisipan.  Akala natin, kung popular na ang “Vagina Monologues,” maaari nang pakialaman ang anumang bagay; wala nang pag-aaring pribado o di kakabit ng espasyong komun o komunidad. Paano mangyayari ito kung umiiral pa ang pribadong pag-aari ng mga kasangkapan sa produksiyon ng ikabubuhay? Umiiral pa ang tubo, salapi, pribadong lupa o espasyo. Binibili pa ang lakas-paggawa, hindi lamang lakas kundi buong katawan at kaluluwa mo. Pati panaginip mo, damdamin, iyong matimtimang pagnanais o pangarap mong kalakip ng iyong puso’t budhi. Walang sagrado sa korporasyong multinasyonal, sa palengke ng kapitalismong global. Biniro ni Goldsmith, kaya siya natisod sa apoy ng umaatikabong alitang di lamang kultural kundi tahasang politikal at moral.

May aral kaya ito sa mga alagad ng ONE BILLION RISING? Anong panganib na sumusunod tayo sa modo ng publicity ng isang haligi ng burgesyang imperyo? Paano mababago ang diwa at institusyong mapang-api kung wala tayong kabatiran sa maselan at masalimuot na rasismo’t makauring ideolohiyang kaakibat ng patron ng produktong inilalako ni Ensler?

Radikal at Mapanuri?  Bawal!  Huli ‘yan!

Bago sumabog ang peminismong radikal, mahaba na rin ang tala ng rebelyon ng mga alagad-ng-sining laban sa sensura, ipokrisya’t pagbabawal sa malayang paglalahad. Historya ito ng ebolusyon ng modernidad. Kasi, laging pinaglalangkap ng Patriarkong Orden ang militanteng sining at pornograpya. Hindi sumusunod sa istandard ng burgesya. Taktikang pagbubusal iyon sa kritikang kamalayan. Isipin na lang ang kaso sa dalawang nobelang Ulysses ni James Joyce at Lady Chatterley’s Love ni D.H. Lawrence, o mga libro ni Henry Miller. Pati Catcher in the Rye at Huckleberry Finn ay pinagbabawal sa ilang aklatang pampubliko sa U.S.

Nakakabagot itong ipokrisya, testigo sa paghahati ng lipunang mapagsamantala’t makahayup. Huwag na nating balik-tanawin pa ang mga sinaunang halimbawa ng Satyricon ni Petronius, Decameron ni Boccacio, Gargantua at Pantagruel ni Rabelais, at mga akda ni Marquis de Sade. Sinubok nilang sugpuin at pigilin ang pag-unlad ng kamalayan. Laging umiigpaw sa kontrol ng mga naghahari ang lasa at nais ng madla, hindi ng mga awtoridad na umuusig sa mga “ideological State apparatus” ng makauri’t mapagsamantalang lipunan.

Sa larangan ng pintura, masilakbo’t maengganyo ang balitaktakan. Armadong puwersa ang nakapangingibabaw, hindi argumentong rasyonal. Nakasalalay ang kapangyarian ng Patriyarkong Burgesya. Pwedeng banggitin ang eskandalo tungkol sa “Olympia” (1865) ni Edouard Manet, “The Origin of the World” (1866) ni Gustave Courbet, “Ecstatic Unity” (1969) ni Dorothy Iannone, at mga litrato ni Robert Mapplethorpe. Halimbawa naman ng mga paggamit ng tema o imaheng relihiyoso, mababangit ang eskandalo tungkol sa “Piss Christ” (1987) ni Andres Serrano o “The Holy Virgin May” (1999) ni Chris Ofili (Frank 2015)..

Sa atin naman, magugunita ang pagsasara ng “KULO” exhibit at ang “Politeismo” (2011) ni Mideo Cruz. Kung itinanghal ang “KULO” sa Pransiya o Italya, marahil walang problema. Baka naging mabenta pa ang mga mapangahas na likhang-sning, karibal ng mga milyong dolyar na produkto nina Andy Warhol at De Kooning.

Ngunit sa neokolonyang mahal, ang diskurso ng libog o praktikang pukaw-pukyutan ay tabu pa rin, sa pangkalahatan. Merong pasubali. Sa akademyang sekular, umiiral ang regulasyon sa takdang lugar ng usapang libog. Ngunit nananaig pa rin ang tradisyonal na moralidad ng iba’t ibang simbahan–mga ugali, gawi, kostumbre sa kilos, salita, at sentido komun ng bayan.Sino ba ang nakikinabang sa ganitong paghihigpit? Di na tayo makababalik sa hardin ng karinyo’t lampungan (hinggil sa kontrobersyang legal at etikal kaugnay sa pornograpiya, konsultahin si Strossen 1995).

Magtiyaga na lang kayo sa kampo ng mga nudist, susog ng mga miron. O pornograpikong eksena/video sa Internet. Mag-ingat ka, ang surveillance ngayon ay di lamang estratehiya ng pulis, kundi maniobra ng mga espiya sa Internet, satellite, drones—wala kang ligtas! Puputaktahin ka ng isang katerbang buwisit at kamyerdahang panghihimasok.

Hamon sa Mandirigmang Babaylan

Paano kung ambisyon mo ang tumulad kay Shigeko Kubota? Lalaki ka man, puwede ka ring gumaya kay Kubota.

Sino itong Kubeta? Kubota po, hindi kubeta. Ipinanganak siya sa Niigata, Hapon, noong 1937, kalahi ng mga Budistang monghe (Wikipedia 2015). Naging kasapi siya sa organisasyong Fluxus sa New York noong dekada 1960. Si Kubota ay tanyag na avantgarde video-iskultor,  lumilikha ng video installation, sumusuri sa pamana ni Marcel Duchamp, ama ng modernismong sining. Kalahok ang mga maraming likha niya sa Dokumenta 7, Kessel (1982) at iba pang museo’t galeri. Naging propesor siya ng teknolohiya ng video/pelikula sa iba’t ibang unibersidad at institusyong global. Unang napag-aralan niya ang komposisyon ni John Cago noong 1963 sa pagsasanib niya sa grupong musikero sa Tokyo, ang Ongaku, kasama si Yoko Ono.

Naging tanyag si Kubota sa “Vagina Painting,” na ginanap sa Perpetual Fluxus Festival,Cinematheque, New York noong Hulyo 1965. May foto ng akto niya sa libro ni Peter Osborne, Conceptual Art (2002), pahina 71. Subaybayan din siya sa Internet sa dokumentasyon ng “Vagina Painting” at iba pang likhang-sining niya (Godfrey 1998).

Sa pangyayaring ito, inilatag ni Kubota ang isang malapad na papel sa sahig. Doon nagpinta siya nang abstraktong linya sa pulang kulay sa bisa ng galaw ng brotsa. Nakakabit ang brotsa sa singit. Huwag mo nang itanong kung gaano katagal ang aksyon at ano ang reaksyon ng awdiyens noon.  Sinasagisag ang kanyang vagina bilang bukal ng inspirasyon. Ang pulang pinta ay kahalintulad ng dugo sa regla na hulog mula sa lugar na tinaguriang kawalan ng phallus (sa metaporikang pakahulugan; ibig pahiwatig, hindi penis o titi). Sa gayong palabas, pinasimulan niya ang isang perspektibang makababae sa tipikal na pagtatanghal ng Fluxus hinggil sa operasyong pagbabakasakali, pasumala o patsansing-tsansing(“chance operations”).

Iminungkahi ni Kubota sa kanyang akto ang isang alternatibo sa agresibong teknik ng action o drip painting ni Jackson Pollock. Isang hamon din ang ginanap ni Kubota sa papel ng babaeng artista na laging pinapatnubayan, ginagabayan, at inuugitan ng kalalakihan–awtoritaryong disiplina ng mga Patriyarko. Dagdag pa, pinuna ni Kubota ang paggamit sa babae bilang brotsang buhay, nilubog sa pintang kulay asul, na pinagapang sa kanbas, na masasaksihan sa Anthropometrie serye ni Yves Klein noong dekada 1950-1960.

Salungat si Kubota (na asawa ng bantog na si Nam June Paik) sa ganoong paggamit ng katawan ng babae, isang uri ng “human traffiking” ng kababaihan. Kapanalig niya sa krusadang ito sina Yoko Ono at Carolee Schneeman, na hindi masyadong nagustuhan ng kanilang grupong Fluxus (Osborne 2002).

Makibaka, Huwag Magsipsip

Sunod ba ang One Billion Rising sa pintang pukyutan ni Kubota? Aktibo pa rin si Kubota sa New York. I-Google ninyo. Uliran ang kanyang halimbawang napasimulan sa pagpukpok sa pukyutan upang pukawin ang bihag at nakukulong na kamalayan. Isang sandata iyon sa conscientization ng madla.Bakit hindi? Bakit hindi gamitin ang katawan–na siyang lugar ng “Kingdom” ng Tagapagligtas–upang palayain ang pagkatao’t kaluluwa (kundi pa naisangla o naipagbili)? Bakit pa nagkaroon ng inkarnasyon kung tayo’y mga anghel na walang puwit o bunganga, walang titi o puk%?

Anong reklamo mo? Manunuod na lang ba tayo ng “Fifty Shades of Grey” at YOUTUBE seryeng pornograpiko, at mga artifaktong pabalbal sa Internet tulad ng  “Kakantutin ka lang nila” (mahigit 4,081,933 ang taga-subaybay sa YOUTUBE; Lordganja 2015). Kuntento na ba tayong laging nakatungaga sa mga strip-tease at sirko ng mga egotistikong selebriti sa TV at pelikula? Marami tayong reklamo, sigurado, kaya dapat ipahayag na ito. Pasingawin at ibilad ang mga pasakit, himutok, hinanakit. Kundi, baka magkarambulan sa sikolohiyang pantayo’t pambarkada.

Alam nating lahat ang tunay na situwasyon. Tulad ng anumang bagay, puspos ng masalimuot na kontradiksiyon.  Lahat ng bahagi ng katawan ay may reklamo, laluna ang sikmura, uhaw sa hustisya. Marami nang pasubali: kaya bang ipahiwatig ang damdamin ng buong body politic sa makitid at partikularistikong paraan ng Vagina Monologue o Vagina Painting? Binugbog at pinarusahang mga katawan ng sambayanan, isinasangkot sa pambansang mobilisasyon ang lahat ng kasariang inaapi. Bukod ito sa One Billion Rising. 

Pag-ugnayin muli ang pinagwatak-watak na bahagi ng katawan upang mabuo muli ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na winasak ng imperyalismo’t kapitalismong global. Usapang mapagpalaya, hindi lang usapang puk%, ang rebolusyong sumusulong, kabilang ang lahat ng nakikiramay ngayon kina Ka Leoncio Pitao at  Ka Vanessa Limpag, biktima ng barbarismong kabuktutan ng rehimeng Aquino at US imperyalismo (Dulce 2015). Mabuhay sina Kumander Parago at Ka Vanessa, bayani ng lahi, laging buhay sa puso ng masa.

SANGGUNIAN

Barry, Kathleen.  1995.  The Prostitution of Sexuality.  New York: New York University Press.

Carter, Angela.  The Sadeian Woman and the Ideology of Pornography.  New York: Harper and Row.

Dulce, Leon.  2015.  ” ‘Taytay Parago’ and the Defiance of Paquibato.”  Kalibutan.  Nakapost sa Bulatlat (2 July).

<bulatlat.com/main/2015/07/02/tatay-parago>  Webpage.

Frank, Priscilla.  2015.  “A Brief History of Art Censorship from 1508 to 2014.”  HuffPost Arts and Culture <www.huffingtonpst.com/2015/01/16/art- censorship_n_646510.html>  Webpage.

Godfrey, Tony.  1998.  Conceptual Art.  New York: Phaidon Press.

Goldsmith, Kenneth. 2015.  “The Body of Michael  Brown.”  Facebook of Kenneth Goldsmith.  Entry for March 15, 2015.   Webpage.

Kendrick, Walter.  1988.  The Secret Museum.  New York: Penguin Books.

Lordganja.  2015.  “Kakantutin ka lang nila  lyrics.”  <https://www.youtube.com/ watch?v=JVDZWJoFzO>  Webpage.

NPA Panay.  2014.  “One Billion Rising, by the Red Detachment of Women.” YOUTUBE.  Webpage.

Osborne, Peter.  2002.  Conceptual Art.  New York: Phaidon Press Lit. 

San Juan, E.  2015.  Between Empire and Insurgency.  Quezon City: University of the Philippines Press.

Strossen,Nadine.  1995.  Defending Pornography.  New York: Doubleday.  

Wikipedia.  2015.  “Eve Ensler.”  <https://en-wikipedia.org/wiki/Eve_Ensler&gt; Webpage.

Wikipedia.  2015.  “Shigeko Kubota.”  <https//en-wikipedia.org/wiki/shigeko- kubota>  Webpage.

____________________________________________________________

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS

Foreword to E. San Juan’s CARLOS BULOSAN by Prof. Peter McLaren


FOREWORD to Carlos Bulosan

by Peter McLaren

Filipinos living in the United States today, over four million, comprise the largest Asian group originating from one country, the Philippines. When the U.S. defeated Spain in 1898 and annexed the islands as its first imperial acquisition, it had to suppress the native army of the revolutionary Republic which had already defeated the Spanish rulers. The Filipino-American War lasted up to 1913, with 1.4 Filipinos sacrificed for McKinley’s “Benevolent Assimilation” policy. The Philippines was the first and only Asian colony of the United States, and then after 1946 virtually a neocolony up to now. Thus, when Filipinos arrived in 1906 in Hawaii, they were colonial wards, or “nationals,” not immigrants, who distinguished themselves in militant worker organizing and union strikes, a tradition of solidarity with multiethnic communities that endured up to the founding of the United Farmworkers Union in the 1960s. Agribusiness warned the public of those dangerous “Flips” prone to go amok.
Carlos Bulosan, now a central figure in Asian American history, is studied for his classic quasi-autobiography, America Is in the Heart, published in 1946, the same year the Philippines was granted nominal independence after World War II. He grew up in a society dominated by feudal landlords and comprador bureaucrats that inculcated ideals of democracy and equality under American tutelage. Landing in Seattle in 1930, at the height of the Depression, he experienced the racist violence that his compatriots were suffering from the canneries in Alaska and Seattle to the farms in Oregon and California. This shock of recognition produced a Du-Boisean “double-consciousness” in the naive romantic sensibility of the peasant-worker initiated into a world of alienated labor and class-racial antagonisms. His education pursued a dialectical process of painful ordeals and agonizing reflections, a metanarrative fusing realistic judgment and moral distancing. The young Bulosan shared the common experiences of multiethnic migrant workers and participated in vibrant leftwing circles of cultural activists (including Paul Robeson, John Fante, William Saroyan, Sanora Babb, among others) that sustained and encouraged him to memorialize their struggles in an impressive body of novels, poems, stories, essays, including the manifesto “If You Want to Know What We Are,” published in 1940 by the Philippine Writers League the last stanza of which reads:
We are the vision and the star, the quietus of pain;
we are the terminals of inquisition, the hiatuses
of a new crusade; we are the subterranean subways of suffering; we are the will of dignities;
we are the living testament of a flowering race.
If you want to know what we are—WE ARE REVOLUTION!
Summing up that episode of his life before the war, Bulosan confessed in a letter to a friend in April 1941: “I feel like a criminal running away from a crime I did not commit. And the crime is that I am a Filipino in America.” Recently, FBI files on Bulosan’s life from 1946 to 1956 (the year he died) were released, proving that he was under government surveillance as a suspected member of the U.S. Communist Party. Among the documents shared in 1951 between Philippine and US agencies was a confiscated letter signed by Bulosan to one of the Huk leaders. The news report singled out this statement:
“I like to extend my congratulations to you through Amado [V. Hernandez, the nationalist poet-union leader, with whom San Juan collaborated in editing and translating his poems], whose presence in America cemented the progressive spirit of peoples on this continent and in that island, with the fond hope that I will be able to put all our efforts into a big book for the world.”
The “big book” he referred to is the novel The Cry and the Dedication, clearly inspired by Luis Taruc’s autobiography, Born of the People..
Bulosan was already a popular-democratic artist after the appearance of Chorus for America (1942), The Voice of Bataan (1943), and the widely circulated The Laughter of My Father (1944). His stories and poems appeared in prestigious magazines such as The New Yorker, Poetry, Saturday Review of Literature, Harper’s Bazaar, and Town and Country. Once adopted as a canonical author in the U.S. academy from the eighties on, Bulosan’s radical edge was blunted, his oppositional tendencies sanitized in the service of a model-minority myth. He was sacrificed to the assimilationist altar of “Americanism.” No one today is afraid of reading The Cry and the Dedication, or Bulosan’s powerful Popular Front testimonios praised by Michael Denning and Filipino progressive scholars. But in this neoliberal marketplace, Bulosan is dismissed as an obsolete “Marxist” without credibility, and so it is useless to retrieve or recuperate other aporetic texts devoid of relevance to a changed lifeworld of postcolonial intertextuality and hybrid cosmopolitanism. We are urged to move on from the end of ideology to the end of history, and enjoy the blessings of chic transnationalism.
Given the resurgent anti-immigrant, white-supremacist wave under the Trump presidency, and the still subjugated character of the Filipino diaspora here and worldwide, we need to recover the submerged insurrectionary impulses in Bulosan’s discourse. San Juan’s book is such an endeavor. Continuing his first project in 1972 on surveying Bulosan’s extant limited oeuvre, this volume gathers four decades of striving to excavate those seditious strands in the texts by re-contextualizing them, first, in the anticolonial revolutionary movement of Filipinos from the 1896 revolution to the folk insurgencies of the thirties and the national-democratic rebellion of the fifties and sixties; and, second, in the popular-front movement during the Depression up to the McCarthy witchhunting hysteria during the Cold War and the post-9/11 racist terror. Such calibration of the writer’s trajectory may not resolve all the contradictions that reflect the colonial predicament, but it can reveal complex, hidden nuances susceptible to historicized intertextual elucidation. A recalculation of critical investments is in order. Re- situated in this geopolitical milieu, Bulosan’s entire body of work acquires a contemporary resonance that registers an unprecedented conjuncture from the 1999 killing of postal worker Joseph Ileto by an Aryan Nations member to the stigmatization of “undocumented” Filipinos as suspect terrorists after September 11, 2001, and their forced mass deportation.
San Juan’s recent research in the Sanora Babb papers at the Harry Ransom Center, Austin, Texas, confirmed Bulosan’s leftist sympathies. It also clarified the nature of the crisis triggered by the sudden shift of life-experience from a family-centered rural setting to an anomic milieu of wandering sellers of alienated labor-power. Although Bulosan’s FBI files are bound to arouse new interest in his career, it should not detract from the fact that it was the young generation of Filipino activists in the Civil Rights struggles of the 1960-–1970 decade who discovered his forgotten work. The May 1979 issue of AmerAsia Journal, edited by E. San Juan, Jr. and Russell Leong, was the first to collect his scattered texts, in response to the political mobilization of students and farmworkers in the Filipino-led 1965-–70 Delano grape strike and the nationwide mobilization against the U.S.-supported Marcos dictatorship (1972-–1986). Bulosan’s work energized an entire generation to re-connect with their parents’ homeland, revitalize their “roots,” and renew Bulosan’s dream of fulfilling the exile’s return in working for a just, more democratic and equal relation between the neocolonized Philippines and the United States.
We have entered a new millennium of globalized war and ecological meltdown under the reign of “disaster capitalism.” The election of Donald Trump signals a crisis of hegemony and legitimacy for the current transnationalist neoliberal order. The Trump phenomenon is not an idiosyncratic spectacle and set of conditions witnessed only in the United States. Similar conditions—attacks on elements of neoliberal capitalism, a triumphalist move towards economic nationalism, nativism, misogyny, a deepening racism, environmental catastrophe and virulent mobilizations against immigrants—are manifesting themselves worldwide in countries that define themselves as democracies. While some observers see Trump’s political rhetoric of “America First” as a sign that neoliberalism is dead, others see it as corporate fascism or more intense privatization following the logic of the capitalist mode of production. Citizens fail to grasp the inherently rapacious and predatory nature of neoliberal capitalism because of the media and educational system that I have analyzed and criticized in my Pedagogy of Insurrection: From Resurrection to Revolution.
In this time of danger, what we need is an anti-neoliberalism movement with a long-range plan for creating a viable alternative to capitalism. What we can’t do is sink into a mournful resignation that history will continue to move backwards as it seems to be doing in the present where we could soon be facing as a planetary community levels of bviolence and destruction never before experienced in history. Toward this effort, the scholarship of E. San Juan, Jr. has provided some of the most penetrating and provocative analyses of world-historical problems, as shown in his recent books, Working Through the Contradictions, In the Wake of Terror, and his path-breaking essay on “Peirce/Marx: Project for a Dialogue between Pragmatism and Marxism.”
With his substantial contribution to the humanities and cultural studies (discussed in the e-journal Kritika Kultura), I consider San Juan as one of the leading public intellectuals in the United States. His magisterial engagement with Bulosan is of the utmost importance today precisely because we believe that all human beings, like Bulosan and his compatriots, have the potential for critical-autonomous protagonistic agency. We have the potential to transform the world together. But we need to educate that potential critically and according to the politics of liberation grounded in a philosophy of praxis. San Juan reminds us of those times when American workers were united across racial lines in socialist struggles for radical change, among them the leftwing Populist Movement of the 1890s, the industrial union movement of the 1930s, the Black workers movement and the strikes by auto workers in the 1970s. We should also look beyond the borders of the United States to establish solidarity with other peoples’ organizations fighting the perils of capitalism across racial, national, gender, and geographic lines. San Juan’s book is a timely contribution to a historical-materialist appreciation of the work of a writer who crossed those lines. Ccombating officially promoted “humanitarian interventionism” profiting from the commodified labor of the millions whom Frantz Fanon called “the wretched of the earth.”
Reminiscent of James Joyce, Bulosan created the conscience of his community of proletarianized multitudes. His texts serve today as weapons in the struggle for liberation from the burden of an exploitative society of class warfare, and for the construction of a new just, convivial world in which (to quote Marx and Engels) “the development of each is the condition for the free development of all.”—##

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS

Burador ng TALAMBUHAY ng Awtor


 

BAKAS: Dalumat ng Gunita’t Hinagap, Memorya ng Kinabukasan

— ni E. SAN JUAN, Jr.

 

 

I  AVENIDA RIZAL, STA. CRUZ (1938-1944)

 

Buhay ay pakikipagsapalaran, lihis sa iyong pagnanais o pagnanasa
Pook na dinatnan ay hindi nakaguhit sa dibdib, balintunang hinala
Pook na binagwis ng alaala’t pag-aasam
Tumatawid sa agwat/puwang ng panahong gumugulong sa buhangin
Nakalingon habang dumudukwang sa agos ng alon—
anong kahulugan ng pagsubok at pangakong itinalaga ng panahon?
Tayo ba ang umuugit sa daluyong ng kapalaran?

 

Lumilihis sa bawat liko, sa bawat sandali nag-iiwan ng bakas ang katawan
Sa bawat sulok, matatagpuan ang uling/alabok ng buong kasaysayan—
Bumabagtas sa bawa’t yugto ang tunggalian ng uri, saan kang panig makikisangkot, kaya kailangang magpasiya
Upang masunggaban ang sungay ng tadhana, ikawing ito
sa ating adhika’t pangangailangan ng komunidad—

Tanong mo’y saan? Sagot ko’y kailan? Bibingka ng hari, di mahati-hati….

Tuwing umaga’y nalalanghap ang anghot ng ihi’t dumi ng kabayo
sa kuwadra ng San Lazaro tabi ng Oroquieta Ospital ang kinagisnan—
Agwat/puwang ng panahon, kaluluwang humibik
sa pagitan ng Tayabas at Batangas, bininyagan sa Iglesiya Espiritu Santo

Kapagkwa’y tumawid at naipit sa riles ng Blumentritt at estero ng Dimasalang
malapit sa pugad ng pampang si Marina noong 1945….
—“dala-dala’y buslo…pagdating sa dulo”—
Sa mga eskinita lumalagos ang bango ng piniritong isda’t ginisang bawang sibuyas kamatis luya
Sa bingguhan asaran biruan ng mga kamag-anak

Amoy ng dura’t pawis masangsang na putik sa harap ng 2121 Avenida Rizal
kung saan napanood ang prusisyon ng libing ni Manuel Quezon

Kakatwang estranghero ang sumaksi sa tahanang
ginawang motel para sa ‘short-time” tipanan ng magtatalik—

Agwat ng umaga’t dapithapon sa naghihintay na musmos, binibilang ang patak ng ulan
Puwang ng paglalaro sa lansangan ng Tayuman at Bambang, inaabangan—

Sakaling wala ang ina’t ama, “buhok ni Adan hindi mabilang,”
himutok ng ulilang musmos
Sagisag na walang lakas hubugin ang daloy ng karanasan, biktima ng pangyayaring
matagal ang panahon ng pagkagulang, nabulabog sa bawat gulong ng trapik….

Gayunpaman, nabaluktot sa balisa’t di-pagkakapalagay, stigmata sa gunita:

Unti-unting nahuhulog kumpol-kumpol ang dilawang bulaklak ng punong-akasya
sa harap ng dungawang tila masamyong dibdib ni Nena, nag-alagang katulong, mangyaring pagpalain ng Inang Kalikasan
ang kaniyang mairuging kaluluwa.

 

2. MONTALBAN, RIZAL (1945-1950)

 

Bukal ang kinabukasan sa iyong gunita, sa tukso ng pag-asa
Sa guni-guni, tila huni ng ibon sa bulaos ng kalabaw tungo sa ilog Pasig
Bumubuhos sa Montalban, agos ng panahong sumusukat sa isip
Tinutugis ang kaganapang bulong at anasan ng mga nagdarasal
sa sementeryo ng La Loma…

Lalakarin daw ang haba ng dinulang, doon masusulyapan ang Irog
bago manampalok—Sinampal muna bago inalok?

Halinghing ng kabayo sa gubat ungol ng baboy aso’t manukan
Pangarap ng paglalayag habang nakadukwang sa estero ng Reina Regente
gumagapang gumagala sa Binondo San Nicolas Dibisorya

Takas, pumipiglas—
Pinaulanan ng bala ng gerilyang Huk ang PC istasyon sa munisipyo ng Montalban
—hindi lamang pito ang baril nila, di lamang siyam ang sundang—
Taginting ng salapi’y hungkag sa hinagap ng Boddhisatvang umakyat
sa lambak doon sa Wawa kung saan
nagkublli sina Andres Bonifacio’t at mga gerilyang Katipunan….

Umahon mula sa kabilang ibayo ang kamalayang sumasagap sa tinig ng panata
hindi mula sa Benares o Herusalem kundi sa Sierra Madre
upang humabi ng sutrang kayumanggi mula sa tadhanang gumugulong….

Sunggaban ang suwag ng kapalarang naligaw sa rumaragasang unos
Malayo na sa kilabot ng mga Hapong umurong sa Wawa
Pinaligiran ng tropang Amerikano, sindak ng imperyalismong sumasabog…

Gumising doon sa bukang-liwayway ng Liberasyon at tuloy sa dagundong
ng magulong Maynila, sunog sa Korea at Arayat
mabilis pa sa alaskuwatrong tumungo sa sinehang Lotus at Noli
Kung saan narinig ang “Fascination” nina Dinah Shore at Belle Gonzales—

Bigkasin mo ang pangalan ng mga kolaboreytor at bayaning nagbuwis ng buhay….

Ngayon ay alingawngaw ng panahong
Lumikha sa mga pangyayaring
Lihis sa iyong pangarap at panimdim
Kapwa ninais at pinilit
Kapwa tinaggap at tinanggihan: kailan? saan?
Sa pag-inog ng pakikipagsapalarang tila walang simula’t katapusan.

 

 

3. BALINTAWAK, QUEZON CITY (1951-54)

 

Pangangailangan ang umuusig sa pagkikipagsapalaran, gumaganap ang bulag na simbuyo
Sa daluhong ng kasaysayan, hindi maiiwasan o maitatakwil
Kaya ang sumunod sa nesesidad ay malaya’t magpapalaya
sa kahinugan ng panahon, pahiwatig ng mga pantas….

Sumisingit sa baklad ng gunitang balintuwad:
Minsan tinapos ko ang Crime and Punishment ni Dostoevsky
isang hapong maalinsangan
Di ko malilimutan ito, gabi na ng ibaling ang paningin sa bintana
Lihim na pagkahumaling ko kay Esther Deniega (lumisan na) ay iburol sa balong
malalim, punong-puno ng patalim, balong hindi malingon
Tulad ng pagsasama namin nina Ernie at Pete Daroy
Sa limbo ng mga pagliliwaliw, sa impiyerno ng mga pag-aalinlangan at agam-agam

 

Mabuhay kayong mga itinapon,
Nakarating na kayo sa ipinangakong himpilan, ipinaginip na himlayan.
“Dalawang pipit, nagtitimbangan sa isang siit, sumusungit ng bituin”
Di nagluwat, sumabak sa pakikibaka laban sa US-Marcos diktadurya—

Minagaling ang basag kaysa baong walang lamat

Sapagkat sa kaibuturan ng aksidente, pagbabakasakali, namumutawi
ang siglang pagbubuhatan ng tagumpay ng ating minimithi,
Hindi salita kundi hibo’t hikayat ng panaginip at guniguni, matris ng himagsikan,
ang lugar ng panahong nahinog sa yapos at aruga
ng mga magulang at mga gurong nagmalasakit…

Huwang mong basahin ito
Tatak ng titik titik ng tiktik
Huwag tingnan huwag sipatin
Huwag silipin huwag sulyapan
Tatak ng titik titik ng tiktik
Huwag mong titigan baka ka malikmata’t maalimpungatan….

 

Asul ang kulay ng langit sa parang at lambak ng Diliman—
Aso ko sa pantalan, lumukad ng pitong balon, humugos sa pitong gubat
bago natanaw ang dagat—

Walang katuturan ang panahon kung walang pangarap o pag-asa
Pagnanais ang matris ng pangyayari, pagnanasa ang ina ng katuparan
Kabiyak na niyog, magdamag na kinayod,
Naghasik ng mais, pagkaumaga ay palis—

Huli ng balintataw ang mailap na buntala ng iyong mithing talinghaga,
pangarap ng pithayang alumpihit pumaimbulog sa kawalan.

 

4. CRAIG, SAMPALOC, MAYNILA (1955-60)

 

….Subalit ang kalayaang magpasiya’y nagkabisa
Sa isang tiyak na pook at itinakdang pagkakataon
Bagamat limitado ang kapangyarihang umalsa’t bumalikwas
Walang pangyayaring magaganap kung wala ka,
Sintang itinapon sa gitna ng maburak na Pasig.

Bumagsak ang eruplano ni Magsaysay ngunit nkalimutan
na ang CiA ahenteng Lansdale, sa gayon
Neokolonyang teritoryo pa rin tayo hanggang ngayon….

Agos de pataranta sa Palomares at Gardeniang dinalaw ng mga GI
pagkatapos sumuko si Aguinaldo’t nawala si David Fagen

Magkabalikat kami nina Ernie at David Bunao sa bilyaran sa Quiapo
Di inalintana kung may hirap, hanapin ang ginhawa
Aralin ng pakikipag-ugnayan sa Culi-Culi, Marikina, massage parlor sa Raon
Walang matimtimang birhen sa lagalag na kaluluwang naghuhunos
Di bumibilang ng bukas-makalawa upang paraanin ang nagparaan—

Walang matiyagang hayup sa magayumang kalapating sumasayad sa pampang….

Shantih Shantih Weiilala leia Wallala leialala

Bago umakyat sa Baguio, tumawid kami sa Tayug, Pangasinan, nina Mario Alcantara
at Pablo Ocampo, kumakampanya para kina Recto-Tanada
Hindi ko batid noon na malapit sa Binalonan, bayan ni Carlos Bulosan….
Noong 1972 ko na lang napag-alaman ito sa lilim ng Pulang Bandila

Lumangoy at lumutang sa usok sa Luneta’t daungan ng Manila Bay
Tudyo’t halakhak ng mga kaibigang nakausad mula sa Tundo hanggang Sta Cruz & Quiapo

Tatlong bundok ang tinibag bago dumating nang dagat

Walastik, para kina T.S. Eliot Joyce Nietzsche Sartre, tapos ang boksing sa Sarili
Walastik, naghalo ang balat at tinalupan sa turo ng pilosopong galing sa Popular Bookstore

Di naglaon, tumubo ang sungay at tumindi ang pagnanasang makahulagpos
—“karga nang karga, kahit walang upa” ang islogan ng anarkista
bago sa engkuwentro kina Marx Engels Lenin Lukacs noong dekada 1965-72…

 

Pumalaot na mula sa daungan ng Subic Bay
Lupa’t tubig ang nakalunsad
Apog at asin sa lagusan
Tinalunton ang landas pabulaos mula sa Ilog Montalban
Halos magkandarapa halos sumubsob
Hindi pa nakaraos
Hindi pa natutuklasan: kutob, ligamgam
Hangin at apoy ang bumuhos
Hindi pa yari ang proyektong idaraos
Pumalaot na sa hanggahang di-abot-tanaw
Humugos sa dalampasigan
Tubig lupa hangin apoy
Apoy hangin apoy

 

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS

ELEHIYA: Para kay Kian delos Santos


DemoELEHIYA PARA KAY KIAN DE LOS SANTOS
(Batang pinaslang ng mga pulis sa Caloocan City, Agosto 16, 2017)

—ni E. SAN JUAN, Jr.

 

Isa ka sa ilanlibong biktima ng Oplan Galugad Oplan Tokhang
Isa ka lamang sa maraming kinatay at minasaker ng Estadong neokolonyal
Isa ka lang bilang sa prusisyon ng mga “collateral damage” ng operasyong
pinamumunuan ni Rodrigo Roa Duterte
Isa ka lamang sa di mabilang na biktima ng EJK tortyur dukot walang patawad na pagkitil
sa ilanlibong mamamayan

Pinuri ni Presidente Duterte ang mga pulis: “That’s beautiful. If we can only kill 32 everyday,
then maybe we can reduce what ails this country.” Wala raw pasubali….

Subalit kung magbibigkis ang mga kamag-anak kabarangay kanayon ng mga nasawi
Subalit kung magbubuklod ang mga napinsala’t naulila
Subalit kung magkakasanib ang mga uring anak-pawis, Lumad, BangsaMoro,
kababaihan, at makabayang mamamayan
Upang magpasiyang buwagin sirain durugin ang Estadong malupit at magpang-api
Walang pasubali
Ang pakikiramay nila ay magiging karapat-dapat upang bigyan ng hustisya at dignidad
ang labi ni Kian de Los Santos at ilanlibong bangkay—
Mabuhay kayo!
Mabuhay ang bayang bumabangon, naghihimagsik

 

 

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS

PUNTA SPARTIVENTO–Poems by E. SAN JUAN, Jr., a review by Prof. Paulino Lim, Jr.


THE POET REBEL IN EXILEpuntacover

Review of Punta Spartivento & Other Mobilizations for Our Time By E. San Juan, Jr. (Chicago: Locofo Chaps, 2017)

by Prof. Paulino Lim, Jr. California State University, Long Beach, CA., USA

 

This chapbook is a good introduction to the author’s poetry at home in both English and Filipino, and more accessible to the general reader than his ponderous prose. Collected for Lococo Chaps, an imprint of Moria books, “dedicated to publishing politically-oriented poetry,” the poems display common traits: the motif is travelogue, the subject is political, and the tone ranges from hopeful to despairing.

As travelogue, however, the poems name the place or tourist spot but do not describe its wonders as much as the tangled emotions of memory and foreboding that it evokes. The title poem “Punta Spartivento,” literally the point where the wind divides, offers a magnificent view of Lake Como, one of the many lakes in Italy that inspired the Romantic poets Byron and Shelley to write poetry. (Shelley drowned in a boating accident in a storm in Lake Spezia.)

At Punta Spartivento the traveler sees how “the waves encounter each other and separates,” and feels the unease about the future caused by tidings “trumpeted by the turbulent winds.” He reveals this sense of foreboding to an unnamed Beloved: “But what wings of the past sneak in . . . splitting the unity of desire, dividing our tryst?” The tryst consummates the desire, but the bliss is ruined by memories of “violated victims,” forced into sex that consummated in death.

The Wordsworthian strategy of past events interjected into a present experience is a case of diplopic consciousness split between memory and perception. It typifies the poems in the chapbook, subtitled “Mobilizations for Our Time.” This can mean putting the chapbook into movement or circulation, or in military terms gathering and preparing troops for war. When San Juan left the Philippines to study in the U.S. nearly half a century ago, he left behind a war, but he did not turn his back on the country. It has become the consuming subject of his numerous writings impelled by his devotion to the country, an invaluable resource for future histories and encyclopedists. His absence from the county, however, is a voluntary exile. His fellow activist at the University of the Philippines, Jose Maria Sison, remained and reinvented the Communist Party, updating the goals of the Hukbalahap led by Luis Taruc and activating its military wing, the New People’s Army (NPA).

The war between the NPA and the Armed Forces of the Philippines (AFP) still rages, but has become more conflicted. The jihadist group Abu Sayyaf has entered the fray and linked the Philippine conflict to the ongoing wars in the Middle East. The chapbook betrays the anguish of the poet, saying, “How could we sing God’s song in the quarantine of exile?” The poet’s exile is a double distancing–aesthetic and geographic. The aesthetic distances his emotions from the raw feelings of an event, while geographic distances him from the actual happening.

The poem “Parable of the Struggle” tells of the narrator’s escape from the barricades and bombing of the Plaza (Miranda?), and now stalked by a masked figure. The fugitive can’t tell whether the stalker is a “man, woman, gays, lesbian, transgender, aborigine, alien . . . .” This figment of a guilt-ridden imagination crystallizes the unease of the past stored in memory.

More than anything else, as a call to action the chapbook mobilizes the imagination of the reader who shares the dilemma posed in “The Poet’s Predicament in a Time of Terror.” The reader also knows the odds, such as, being jailed, salvaged by the military and assassinated on the airport tarmac. A response to the predicament is the elegiac “Remember, Always.” It is a eulogy to Felix Razon, who co-authored with San Juan in writing Jose Maria Sison: Filipino Revolutionary Fighter. The poem affirms fidelity to the memory of a fallen comrade, with the hope that its metaphors etched “ironclad and diamond-hard” shall serve as epitaphs for his tombstone.

As poetry, the verse is free and the imagery surrealistic, juxtaposing creatures arising from “memory’s fissure,” e.g., “snake slithering through the cracks . . . birds’ in the sagging branches (italics poem).” Allusions link disparate rebels, e.g., Salud Algabre killed by Spanish conquistadors and the poet’s “mentor” Antonio Gramsci, imprisoned by Italian fascists. Others recall victims of military terrorists, e.g., Rebelyn Pitao, daughter of an NPA commander, who was raped and stabbed to death, and Maricon Montajes, a U.P. student who was imprisoned in 2010 on the charge of conspiracy and illegal possession of firearms, released on bail in 2016 for lack of evidence.

San Juan pays tribute to the Belgian surrealist painter in “Magritte’s War on Extra Terrestrial Migrants.” The opening lines of this homage is a dazzling display of poetic surrealism: “When Magritte’s lunar migraine/drifts into the blue dragon’s lair . . . mired among mermaids, lost in the karma of fallen sparrows” The travelogue poem satirizes space travel carried by “the profit-less Apollo mission,” adding, “What tentacled machine behind those ivory horns/unleashes such fury of discriminations?”

Strong and powerful emotions churn the chapbook, but the last poem, “Friday Afternoon in October, Willimantic, Connecticut,” the imagery is realistic and transparent, the emotions muted. The “travelogue” features the iron Frog Bridge in Willimantic, famous for its four bronze sculptures of frogs. The poet, while watching the traffic headed for the Indian casino in Foxboro, “interred” his cigarette stub beside the bridge. But, as in “Punta Spartivento” that bookends the collection, memories ruffle the poet’s twilight ruminations: the Abu Sayyaf and the feeling of apprehension and terror on the eve of his journey to America. “How could we sing God’s song in the quarantine of exile?”

The poet already does the singing in his art, evincing love for the poor and country, commiserating with families and victims of oppression, and paying tribute to fallen mentors and comrades–in the name of love, and the “Redeemer’s canción” after all is a song of love. #

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS

KAPALARANG DI MO MAN HANAPIN–Tula ni E. San Juan, Jr


KAPALARANG DI MO MAN HANAPIN

ni E. San Juan, Jr.

 

Inday Mistica, sa tibag nakahapay
Kapiranggot lamang nalilis sandamak nailaylay
Isang dangkal–diyos ko!–ang naibigay

Kulang sa pito, labis sa walo

Mang Pepe, sandok mo’y nakasubsob
Humingi ng ‘sang salok palayok nakataob
Umasa ng saro tumanggap ng mangkok

Kulang sa siyam, labis sa sampu

Anak, sinigang ay matabang sa sampalok kulang
Asing isang dakot isang guhit o gatang
Aba’y bakit di gawin nang isang kaban?

Kulang sa labintatlo, labis sa labing-apat

Sa Kinabuhayan, pumuwesto ka kahit warat
Mata’t ilong bulatlat tinuka ng uwak
Nahulog sa pampang kinain ng aswang

Kulang sa dalawampu, labis sa tatlumpu

Sinukat tinimbang di labis at di kulang
Mula ulo’t bisig hanggang talampakan
Sipit namimilipit ginto’t pilak namumulaklak
Nagtalik nabuntis sa tabi ng dagat.

Posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS