POLITIKANG SEKSUWAL SA NEOKOLONYANG PILIPINAS


THE PHILIPPINES MATRIX PROJECT

Picasso-Les Demoiselles d'Avignonvagina_painting(1965)PUKAWIN NG PUKPOK ANG PULOT-PUKYUTAN: POLITIKANG SEKSUWAL SA PANAHON NG TERORISMONG NEOLIBERAL

— ni E. San Juan,Jr.
ANG tao ba ay katumbas lamang ng kanyang katawan, o bahagi nito? Ang kasarian ba ay walang iba kundi organong seksuwal? Seks ba ang buod ng pagkatao?

Kung hindi man ito kalakaran, ang tumututol ay siyang nagtatampok ng problema, bagamat salungat sa namamaraling opinyon o doxang pangmadla. Sinomang bumanggit ng seks ay kasabwat na ng mga bastos at mahalay. Sabi-sabi ito. Batikusin mo, ikalat mo’t palaganapin. Bakit mali ito?

Ang usapang seksuwal ay di na masagwa o mahalay ngayon. Buhat noong maging sikat, bagamat kontrobersiyal, ang “Vagina Monologues” ni Eve Ensler, tila hindi na nakasisindak tumukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae. Ang estilong bugtong o talinghaga sa seks–gawaing pakikipagtalik–ay itinuturing na sintomas ng neurosis o maselang sakit ng budhi. Paano ang seks ng transgender, hybrid o cyborg? Ordinaryo na…

View original post 1,653 more words

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Washington DC, USA and lectures at the Polytechnic University of the Philippines, Manila, Philippines.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS. Bookmark the permalink.