BUGTONGANG EROTIKA ni E. San Juan, Jr.


Picasso-Les Demoiselles d'AvignonBUGTONGANG EROTIKA
(Handog sa mga pulis ng moralidad, ahente ng surveillance, censors,
at iba pang nagbabawal sa kalayaan ng pagsasalita’t pagsusulat)

Munting tampipi, puno ng salapi.
Malalim kung bawasan, mababaw kung dagdagan.

Baboy ko sa Marungko, balahibo ay pako.
Baka ko sa palupandan, unga’y nakararating kung saan.

Baston ni Adan, hindi mabilang-bilang.
Tungkod ni Kurdapyo, hindi mahipo-hipo.

Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan.
Buka kung hapon, kung umaga ay lulon.

Isang matinik na tampipi, asim-tamis ang pinagsama
sa maputing laman niya.
Malayo pa ang sibat, nganga na ang sugat.

Baka ko sa Maynila, abot diyan ang unga.
Bumubuka’y walang bibig, ngumingiti nang tahimik.

Naupo si Itim, sinulot ni Pula; heto na si Puti, bubuga-buga.
Iisa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan.

Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakya’y di lalamon.
Urong-sulong panay ang lamon, urong-sulong lumalamon.

Sa isang kalabit, may buhay na kapalit.
Pumutok ay di narinig, tumama’y di nakasakit.

Baboy ko sa kaingin, nataba’y walang pagkain.
Habang iyong kinakain, lalo kang gugutumin.

–ni E. SAN JUAN, Jr.

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Washington DC, USA and lectures at the Polytechnic University of the Philippines, Manila, Philippines.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS. Bookmark the permalink.