ISANG MOGITO PARA SA PILOSOPO


photo-surrealism-gallery04DISKARTING PAG-URIRAT SA COGITO-ERGO-SUM NI DESCARTES
— ni E. San Juan, Jr

 
Nagkamalay ako, samakatwid ako ay

Naghinala ako, samakatwid ako ay

Naghanggad ako, samakatwid ako ay

Nagulat ako, samakatwid ako ay

Natuliro ako, samakatwid ako ay

Nagmura ako, samakatwid ako ay

Nanaginip ako, samakatwid ako ay

Nalibugan ako, samakatwid ako ay

Nadaya ako, samakatwid ako ay

Nainggit ako, samakatwid ako ay

Nagsinungaling ako, samakatwid ako ay

Nakipagdyugdyugan ako, samakatwid ako ay

Kinilabutan ako, samakatwid ako ay

Nalamangan ako, samakatwid ako ay

Nakulam ako, samakatwid ako ay

Naghihingalo, samakatwid ako

Humingi ng saklolo, samakatwid

Wala nang hininga, sama ka

###

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Washington DC, USA and lectures at the Polytechnic University of the Philippines, Manila, Philippines.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.