ANG DAMOT-NENENG KO: Makabagong Talingdaw ni E. San Juan, Jr.


Picasso-Les Demoiselles d'AvignonANG DAMOT-NENENG KO: Makabago’t Matipid na Talingdaw sa Panahon ng Iskandalo ng Pork-Barrel Raket sa Krisis ng Neokolonyang Estado

ni E. SAN JUAN, Jr.

Ang Damot-neneng ko’y lumuha sa bundok
Kasabay ang singaw ng korupsiyong himutok
Luha’y naging baha, polusyong sumasalpok,
Mga kawatang trapo’y sa Kongreso napalaot.

Ako namang ito’y umarkila ng demo-daong
At kumakabang tumugpa sa alon
Natagpu-tagpuan: suba, daya, bisyo,
“Matuwid na da”-rling kung saan nataboy.

Hala, gaod tayo, baho ay tiisin
Ang lahat ng propaganda pag-aralang bathin,
Palayo-layo man ang tama, kung ating bakahin
Daig ang status-quo na ayaw lakbayin.

Suhol dito, dahas doon, humampas ang hangin
Dini sa budhi ko na nahihilahil
Kaya pala ulol, mataray na giliw
Nasa aking pusod doon humihilik.

Hayo, ‘nak ng tupa, ako’y tulungan
Sa dagat itawid ang bayang binusabos
Kung tayo’y palaring ibagsak ang mali,
Ordeng anak-pawis ating kalangitan.

Hala, gaod tayo, di na dapat tiisin
Kabuktutan ng Estado’y huwag palagpasin
Palayu-layo man ang katarungan kung ating suriin
Daig ang paraisong ayaw lakbayin. Demo

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Washington DC, USA and lectures at the Polytechnic University of the Philippines, Manila, Philippines.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS and tagged , , , . Bookmark the permalink.