NICOLE STRIKES BACK! from inside the “belly of the beast”


TESTIMONYO NI MS. NICOLASA, ALIAS “NICOLE”: “THIS BODY MYwomenworkeronstrike PROPERTY”

–E. SAN JUAN, Jr.

[Mensahe para sa mga Kababaihang Nakiramay at Nagmalasakit]

“Yankee go home, but take me with you” –Sign on a placard during the anti-bases demo in 1991 in Subic Bay, Philippines

Tinuligsa ako’t tinusok ng madla

Tinuhog akong parang baboy Ay, Inay ko, walang-hiya raw ako

Tinumbok at tinadyakan tinigpas hinalay inupakan

Nilait minura dinuraan Wala raw akong puri o hiya

Anong alam nila?

Tuloy-tuluyan tagus-tagusan sa ‘king katawan

Sagad-butong gahasa’t alipusta

Lahat pinakialaman

Labis pa sa lamuyot lamusak kubabaw ni Daniel Smith

Malayo na ako ngayon sa mura’t tungayawan

Malayo na sa Zamboanga at Subic Bay

Inagaw binawi ko na ang kaluluwa ko sa dahas at titig ng madla

Inangkin ko muli ang pag-aari ko ang pagkatao ko

Wala silang pakialam Sumpa ko sa ‘yo– Pangako ko sa ‘ting pagsasamahan–

Akong mananagot sa kasarinlan ng kasarian:

“This body my property… Keep off!

Walang VFA dito, salamat, Diyos ko, malaya na ako

Sa hustisya ng Inang Bayang nakapailalim pa rin ….”

Kailangan bumangon na, Darlin’

[transcribed somewhere in U.S.A. territory]

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Washington DC, USA and lectures at the Polytechnic University of the Philippines, Manila, Philippines.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS. Bookmark the permalink.