PAGSUKAT SA TRAYEKTORYA NG PANAGIMPAN–tula ni E. SAN JUAN, Jr.


ImagePAGSUKAT  SA  TRAYEKTORYA NG PANAGIMPAN

 

Ngunit bakit ka nangahas na sa akin ay lumiyag

Di mo baga natalastas na ako’y may ibang hanap?

                          

                                    –Awit-Bayan

 

 

Dumarating sa gilid ng burol ang dayuhan

Pagkatapos ng dyugdyugan, anong mapapala?

Sinisingil ng mga balo’t ampon ang naglagalag

Bagamat ambil sa kanya’y taga-tuklas ng hiwaga,

Walang takot sa kawalan—lahat ay lumilipas…..

Dumarating sa  kurba ng bangin ang banyaga

 

Habang humihinga, payo ng pantas, asikasuhin

At alagaan ang di-sakop ng bukadurang palpak—

Nakalantad sa sindak ang kaluluwang hubad,

Nabunyag sa kilabot ang katawang nakabalat-kayo.

Dumarating sa bagwis ng layag ang kasamang naligaw

Lahat ay pumapanaw, anong silbi ng awa o habag?

Gayunma’y kanlungin ang sinumang kasiping sa magdamag,

Arugain ang katiwalang narumhan, nagtaksil,

Tinalikuran, taglay ang makasalana’t inandukhang kariktan.

Dumarating sa dulo ng bahaghari ang kadugong nagpautang

Sa karimlang lumambong, dumausdos ang tagulaylay–

Umaantak sa gunita ang kumalingang dibdib

Ginahis ng pangako’t panaginip, ngayo’y nakatimbuwang,

Niyapos ng dayuhang nakilala sa kislap ng bulalakaw.

–E. SAN JUAN, Jr.

 

 

About these ads

About philcsc

E.SAN JUAN, Jr. directs the Philippines Cultural Studies Center, Storrs, CT 06268 USA and works with the Philippines Forum, New York, and the PEN American Center.
This entry was posted in DISCOURSES ON CONTRADICTIONS and tagged , , . Bookmark the permalink.